Lady Gaga fan and Youtube sensation Maria Aragon is in Manila


source: gmanews.tv

Nasa Pilipinas ngayon ang Canadian-Filipino Youtube sensation na si Maria Aragon – ang 10-year-old fan ng international singer-songwriter na si Lady Gaga.

Sa ulat ng GMA newscast na Saksi nitong Miyerkules, sinabing eksklusibong nakunan ang pagdating ni Maria dakong 10:00 p.m. kasama ang kanyang ina at tatlong kapatid.

Dalawang buwan daw na magbabakasyon sa Pilipinas ang dalagita. Mula sa Maynila ay magtutungo umano ang pamilya ni Maria sa Ormoc, Leyte.

Nakilala si Maria dahil sa kanyang version ng pagkanta sa Lady Gaga song na 'Born This Way' na umabot na sa mahigit 38 milyon ang views sa Youtube.

Nang tanungin si Maria kung sino ang kanyang mga paboritong Pinoy singers, binanggit niya ang pangalan nina Charice, Regine Velasquez at Lea Salonga. - FRJimenez, GMA News
Tags: , ,

About author

Curabitur at est vel odio aliquam fermentum in vel tortor. Aliquam eget laoreet metus. Quisque auctor dolor fermentum nisi imperdiet vel placerat purus convallis.