Patrick Garcia says Jennylyn Mercado wants their son AJ to use Garcia as surname
source: Monching Jaramillo | pep.ph
Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bumisita sa first taping day ng Iglot na pinakabagong fantasy series ng GMA-7 sa barangay Lacquois, Arayat, Pampanga kahapon, July 25.
Kasama si Patrick Garcia sa cast na napakahalaga raw ang role ayon sa co-star niyang si Jolina Magdangal na una naming nakausap. Included din sa cast ng Iglot sina Claudine Barretto, Marvin Agustin, Luis Alandy, Pauleen Luna at ipinakikilala ang batang si Milkach Wynne Nacion.
Patapos na ang pakikipag-usap naming with Claudine when Patrick came in sa tent para ang binatang ama naman ang aming interview-hin. Naupo ito sa tabi ni Claudine at shoot na agad ng first question tungkol kay Jennylyn Mercado at sa anak nilang si AJ ang agad kinumusta .
DADDY'S BOY. Ayon kay Patrick ay pumapasok na sa isang school for toddlers ang anak nila ni Jennylyn.
"Minsan, hatid sundo [sa school]. Minsan, ako yung hatid, or ako yung susundo. Basta pag wala akong akong ginagawa, everyday binibisita ko yung anak ko," masayang kuwento ni Patrick.
"Kasi, yun yung most precious ano, e, [time]. Yung bata pa sila. Pag lumaki na sila, you'll never get to experience the same things na."
Marami ang nagsasabi na kamukhang-kamukha niya si AJ.
"Siyempre, daddy's boy yun, e. Daddy's boy," pagmamalaki ni Patrick.
Nagsasalita na rin daw si AJ ngayon. Kung matatandaan ay worried na worried daw kasi noon si Jennylyn dahil magtu-two years old na ang bata, di pa nagsasalita.
"Oo nagsasalita na. Oo, noon worried kami. Pero, ngayon nagsasalita na.
"Parang, 'wow'. Hindi ko kasi marinig yung boses niya dati, e. Now when I hear his voice, parang [heaven]. Yun.
"Pero gano'n talaga yung mga boys matagal [bago matutong magsalita]. Yung akin madaldal lang talaga. Nagmana kay Kuya Randy (Santiago)," natatawang sabat ni Claudine who was seated beside Patrick during our interview.
"Ibang [baby] boys talaga matagal [matutong magsalita]," patuloy ni Claudine.
Patrick makes it a point nga raw na laging kausapin ang anak na si AJ para makatulong sa pagsasalita ng bata.
"Kaya ako madaldal talaga pag kasama ko yung anak ko. Kaya kahit di niya maintindihan sige [daladal pa rin ako].
"Tsaka pag kinakausap ko talaga straight ano, hindi yung baby talk."
Ini-spoil ba niya ang kanyang anak?
"I try not to. I don't spoil him sa mga toys, ganyan. Pero, lagi ko siyang kinakarga. Ganyan. 'Tsaka we always play. Yung mga gano'n.
"Tsaka I'm strict when it comes to what, to the feeding bottle. Pero si Lola [ni AJ kay Jennylyn] tsaka si Yaya laging nagbibigay. 'E, nagugutom, e'," katwiran daw nila.
"Kasi ako, I don't like substituting solid food with milk. Dapat talaga solid food. Minsan ayaw kumain kasi gusto niya milk.
"Naawa sila. Hindi dapat gano'n. Sabi kasi ng doctor, magugutom at magugutom din daw ang bata, they'll give in [to solid food].
"Kasi tinatanggal ko na yung [feeding] bottle. Kumbaga sa tubig, sa glass na siya.
"Pero, sa milk, binabawasan na namin. Pero, pag wala ako do'n [sa bahay nila Jennylyn] hindi ko na alam.
"Minsan nahuhuli ko, e. Kasi minsan may baon sila, e, sa school, di ba? 'Ano 'yan, ba't may bote [ng gatas] diyan,'" paninita raw ni Patrick.
"Okey lang pag sa gabi before sleeping. Yung mga gano'n. Pero pag mealtime, pag breakfast, lunch or dinner, dapat solid food.
" Kasi it helps with his speech also, e. Kasi kung nakabote palagi, hindi mag-i-improve yung ano niya [speech], e.
Mukhang hands-on daddy talaga siya.
"Oo, parang napapanood mo yung progress niya. 'Tsaka alam ko pag nagsimula na yung trabaho, medyo mababawasan yung time.
"So, no'n habang wala pa akong trabaho, everytime I can, sinusundo ko.
"Before kasi, hati. Like minsan, three days or four days sa kin. Tapos we both decided na baka ma-stress yung bata.
"Yung di niya alam kung kaninong bahay siya. Yung di niya alam kung saan siya, umuuwi, kung saan siya natutulog." Kaya napagkasunduan daw nila ni Jennylyn na dadalaw-dalawin na lang niya si AJ nang madalas kesa iuwi ito.
AJ'S SURNAME. "Garcia" na ba ang ginagamit ni AJ na apelyido?
"I want my son to use my last name kasi kumbaga blood ko naman siya.
"Hindi pa. Hindi pa. Legally puwede... kasi sa birth certificate kasi, e, Mercado," kaya daw kailangan pa ng legalities with a lawyer.
Pero, pumapayag ba si Jennylyn?
"Siya may sabi sa 'kin na ano, kumbaga I didn't have to force her. One time she just called me na, ayun, 'Gawin nating Garcia yung [family name ni AJ]'. So yun."
Nabalitaan na rin ba ni Patrick na nail-link ngayon si Jennylyn kay Luis Manzano?
Nagtalu-talo ang mga kasamahang press kung magkarelasyon na nga raw sina Jennylyn at Luis.
"Tanungin n'yo. Tawagan ko gusto niyo," biro pa niyang muwestrang ilalabas ang cell phone para tanungin ang real score between Jennylyn and Luis.
Pero, kung iisipin, single si Jennylyn ngayon at single din si Patrick. Wala na bang pag-asa between them na maging sila uli?
"A, my door is closed... but it's not locked. Kumbaga may susi pa," mabilis niyang sagot.
Asan yung susi?
"A, kailangang hanapin," nakatawa niyang sagot.
"Di nga, Pat, wala nang feeling?" Si Claudine ang nagtanong.
"As of now, wala. I'm so in love with my son. Kumbaga I don't wanna go to a rollercoaster relationship."
Pa'no kung anak niyang si AJ ang magsabi, 'Dito ka na lang matulog. Tabi kayo ni Mommy'?
"Tapos mai-in love na naman kayo sa isa't isa," pangungulit uli ni Claudine. Pa'no kung sabihin nga ni AJ, 'I want a baby brother, or a baby sister'," kulit ng kasamang writer.
"Sabihin ko, 'Jen, narinig mo sinabi ng anak natin?'" pabirong pagtatapos niya sa aming usapan.
Tinatawag na si Patrick kasi kasama na siya sa next scene.