Heart Evangelista's mother denies confronting Marian Rivera at the airport; GMA-7 issues official statement


source: Nerisa Almo | pep.ph

Inabangan ng entertainment press ang pagsasalita ng aktres na si Heart Evangelista tungkol sa mainit na isyu sa pagitan nila ng Temptation Island co-star niyang si Marian Rivera.

Matatandaan na nagkaroon diumano ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa habang nagsu-shooting para sa pelikula nila sa Ilocos Norte.

Ang alitan, ayon sa mga ulat, ay naging sanhi pa umano ng pagpunta ng nanay ni Heart na si Cecile Ongpauco sa airport nang bumalik sila sa Manila.

Ayon sa mga naisulat, may kasama pang bodyguards ang ina ni Heart nang "sumugod" ito sa airport.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng mag-ina sa inihandang press conference para kay Heart kaninang tanghali, Hulyo 21, sa Barrio Fiesta restaurant, Greenhills, San Juan. (CLICK HERE to read related article.)

Sa unang bahagi ng presscon, nilinaw na ni Heart na hindi totoo ang mga lumabas na balita tungkol sa umano'y "airport incident."

Pahayag ni Heart, "Wala pong confrontation na naganap. Hindi po siya sinigawan ng mommy ko.

"Hindi po totoo na nagdala kami ng napakaraming police. It was airport security po.

"Actually, in-assist lang po 'yong mommy ko ng dalawang security dahil bawal na po kasi magsundo ng pasahero sa loob.

"So, doon lang po siya sa labas naghihintay, sa may baggage area.

"Noong lumabas na po ako, binati ng mommy ko 'yong ibang artistang bumati sa kanya. And we left na po right away."

MRS. ONGPAUCO'S STATEMENT. Halos ganito rin ang naging kuwento ni Mrs. Ongpauco sa hiwalay na panayam sa kanya ng media matapos ang press conference.

Kuwento ng ina ni Heart, "Sa airport, doon lang po ako nagsundo sa airport. Kinailangan ko lang magpatulong sa dalawang airport personnel para makapasok ako. 'Yon lang.

"So, pinapasok po ako, naghihintay lang ako sa labas, sa may luggage. 'Yon lang. Nagsundo lang talaga ako sa airport."

Ano naman ang masasabi niya sa sinasabing "confrontation" nila ni Marian?

Sabi ni Mrs. Ongpauco, "Ano lang, ang katotohanan? Ni hindi ko siya nakausap. Hindi ko siya napuna.

"Hindi ko nga alam kung saan siya doon sa dami ng nabati kong artistang lumapit sa akin. 'Yon lang po.

"Pero hindi ko siya nakita dahil ang layo niya. Nandoon siya sa kabilang baggage.

"Pagdating na po ni Heart, bumaba. Binati ako ni Heart, 'tapos si Solenn [Heussaff] o kung sino man. 'Yon lang. Hindi ko po siya napuna."

At tungkol naman sa umano'y lima o labinlimang bodyguards, sabi ng nanay ni Heart, "Ay, wala po. Wala po.

"Dalawa lang pong airport personnel ang tinulungan ako para makapasok.

"Naghintay lang ako sa may baggage, 'tapos nagbabaan na lang po sila.

"Hindi ko po alam kung sino 'yong sinasabi... 'yong sinasabi niya. 'Yon lang po.

"At hindi kami nakapag-usap. Wala akong sinabi.

"Basta hinihintay ko 'yong anak ko, binati ako ng ibang artista, tapos umuwi na po kami."

"JUST TO AIR OUR SIDE." Sa "airport incident" na ito, lumalabas na negatibo ang ina ni Heart. Subalit hindi naman daw niya ito inaalala.

Para kay Mrs. Ongpauco, umaasa lang sila ng anak niya na mailabas ang katotohanan sa pamamagitan ng press conference kanina.

"Well, this presscon is to say the truth about what happened. Now, it's up to you...

"Sana lang po, kung ano lang po ang katotohanan, 'yon lang po."

Sinubukan din daw niyang intindihin na minsan hindi maiiwasan na makasakit ng damdamin kapag nagiging emosyunal ang isang tao.

"Naiintindihan po namin, minsan, may mga nagiging emosyunal masyado.

"Dapat siguro maging lesson na rin ito.

"Mag-iingat na sila next time kung ano ang masasabi nila.

"I don't think naman na 'yong mga taong nagsasalita, kapag nagsasalita sila, they don't mean to hurt their kapwa-tao."

Sa dami na ng mga lumabas and nasabi tungkol sa alitan nina Heart at Marian, gayundin tungkol sa pagkakadawit niya rito, may plano ba si Mrs. Ongpauco na magsampa ng kaso?

Hindi ito direktang sinagot ng ina ni Heart. Bagkus, inulit niya, "The purpose of this presscon is for Heart to air the truth—for us to air the truth to what really happened to our daughter, what happened in the airport.

"Just the truth. Just to air our side.

"Kasi, immediately after an event, Heart and I went on vacation. Kaya wala ho kami dito pareho, noong naganap lahat ng pangyayari."

"INGAT NA LANG NEXT TIME." Dahil sa tindi na ng mga kaganapan kaugnay ng isyung ito, pinapayuhan umano ni Mrs. Ongpauco si Heart na, "Ipagpatuloy lang po ang pagdarasal, kung ano lang po ang katotohanan. Nandiyan lang po ang Panginoon."

Nang tanungin kung may mensahe siya para kay Marian, ito ang sinabi ng ina ni Heart: "God bless. Sana ingat lang ang pagsasalita sa ibang kapwa.

"Kasi, alam mo naman kapag emosyunal ang isang tao, minsan nakakapagsalita sila ng di nila gustong mangyari.

"Nakaka-trauma sa ibang tao, na hindi kaya ang mga ganitong sitwasyon.

"Ingat na lang next time. Kasi, alam ko naman na wala namang may gustong saktan ang isang tao, so ingat na lang next time para di maulit."

Diin pa ni Mrs. Ongpauco, "Wala naman ho akong problema sa anything. Gusto lang naming ibigay ang katotohanan."

GMA-7 STATEMENT. Kaugnay ng isyung ito kina Marian at Heart ay naglabas ng statement ang kanilang home network, ang GMA-7:

"The issue between Marian Rivera and Heart Evangelista is a personal one. Though it happened during the shooting of Temptation Island, both actresses were advised by the producers of the movie (GMA Films and Regal Entertainment) to put this unpleasant issue to rest.

"Whatever statements or actions issued or done by either party are their own. GMA Network still hopes that the issue will be resolved and that the friendship of both stars be renewed."

Bukas din ang PEP sa panig ni Marian kung may nais siyang sabihin kaugnay ng mga pahayag ni Mrs. Ongpauco.
Tags: ,

About author

Curabitur at est vel odio aliquam fermentum in vel tortor. Aliquam eget laoreet metus. Quisque auctor dolor fermentum nisi imperdiet vel placerat purus convallis.