Sam Milby maintains distance on Marie Digby-James Yap rumored romance


source: pep.ph

Masaya ang actor-singer na si Sam Milby sa naging mainit na pagtanggap ng mga nakapanood sa unang pelikula nila together ni KC Concepcion, ang Forever And A Day.

Nagdaos ng premiere ang nasabing pelikula kagabi, June 14, sa Cinema 10 ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Todo-suporta siyempre ang mga malalapit na kaibigan at fellow ABS-CBN talents ng dalawang lead stars, katulad nina Maja Salvador, Matteo Guidicelli, Kim Chiu, Pokwang, Gladys Reyes at ang asawa nito na si Christopher Roxas, Donita Rose, Angeline Quinto, at ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola.

Maging ang boyfriend ni KC na si Piolo Pascual ay dumating para magpakita ng suporta, subalit umalis din ito agad nang matapos ang screening.

Marami sa mga bisita ang nagpaabot ng kanilang papuri sa magandang ipinakita nina Sam at KC sa 18th anniversary offering ng Star Cinema.

Muli namang hinangaan ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina dahil kitang-kita na nagkaroon ng improvement ang acting nina KC at Sam kung ikukumpara sa dati nilang mga proyekto.

WORST CRITIC. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na makausap si Sam sa cast party na ginanap sa Chef Quarter restaurant, ilang oras matapos ang premiere night.

"Happy! It's a great feeling knowing na yung mga tao lumapit at sinabi na, 'Umiyak ako ha!'

"You know, ibig sabihin effective yung acting namin," bungad ni Sam.

Katulad din ng maraming artista, aminado si Sam na hindi siya kumportable na panoorin ang sarili sa big screen kasama ang marami pang manonood.

"I'm my own worst critic," seryoso niyang pahayag.

"There are some scenes na nakita ko na feeling ko I could have done better, and ako yung tipo na ayokong panoorin ang sarili ko—I hate watching myself.

"But, yeah, I'm just really happy that the response was great, and especially the fact that people said na umiyak sila kasi ibig sabihin, we did our job."

Hindi maiwasan ni Sam na muling balikan at alalahanin ang lahat ng kanilang pinagdaanan ni KC habang kinukumpleto ang pelikula sa ilalim ng pangangasiwa ni Direk Cathy.

"It was quite a journey para sa amin ni KC.

"Yung una kasi naisip ko, 'Paano ba to? We're good friends' and parang we look at each other as just friends.

"It's weird working with someone who is your friend. I guess it's easier if you don't know that person.

"Para sa akin, if it's real-life love, well then it's easy to portay.

"But dahil trabaho and your friends with that person, there were a lot of times sa set na medyo hiniwalay kami [ni KC], so that we're concentrated sa characters namin."

Malaki ang paghanga ni Direk Cathy kay John Lloyd bilang isang aktor at nakatrabaho niya ito sa mga box-office projects katulad ng Close To You (2006), One More Chance (2007), A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), Miss You Like Crazy (2010), at My Amnesia Girl (2010).

"Well, I'm very flattered with direk saying that, and with my acting dito, I really owe a lot kay Direk Cathy," ngiti ni Sam.

"Sa lahat ng ginawa namin, pang-apat na ito with Direk Cathy, siguro masasabi ko itong movie na 'to we got very close.

"For a director to bring out a lot of acting in you, you have to open up.

"Dapat malaman niya ang lahat ng bagay sa iyo para alam niya kung paano ka imu-motivate."

STILL FRIENDS WITH MARIE. Pagdating naman sa personal niyang buhay ay iginiit ni Sam na sa kasalukuyan ay wala pa rin siyang girlfriend.

"I'm at the point na ready ako, and I'm just waiting.

"I think it's something that you don't look for—mangyayari kung mangyayari," tugon ni Sam.

"You know, puro trabaho ngayon. But I can't use that as an excuse.

"You know, waiting, looking around, 'You want to introduce me? You have a friend? Sino? Introduce me!'—parang ganun."

Minsan nang na-link si Sam sa singer at YouTube sensation na si Marie Digby matapos na mapabalita noon na lumalabas ang dalawa at tila nagkakamabutihan.

Ngayon naman ay iniuugnay si Marie sa basketbolista at ex-husband ni Kris Aquino na si James Yap, na siyang star player ng koponan na Derby Ace Llamados na kalahok sa PBA (Philippine Basketball Association).

Hiningan si Sam ng komento kaugnay sa balitang nililigawan diumano ni James ang international singer, na unang nakilala nung 2007 matapos mapanood sa YouTube ang acoustic version niya ng kantang "Umbrella."

"I find it funny na hanggang ngayon maraming sinasabi na kami ni Marie, and I've made it clear to everyone before na never kaming naging kami.

"Never kaming naging exclusively dating," paglilinaw ni Sam.

"Nag-date lang kami last year, tapos near the end of last year, nagpasya kami na maging friends lang.

"There's no exclusivity about our dating.

"So ngayon, ganun pa rin, we're just friends.

"So kung totoo man o hindi yung kay James and her, unang-una wala akong karapatan magsabi na hindi siya puwede mag-date kasi siyempre friends lang kami.

"Kung happy siya, I'll be happy for her, and who wouldn't want to be happy with someone's love life?

"So, ganun lang."

At dahil nga magkaibigan ay may komunikasyon pa rin si Sam kay Marie, at wala naman siyang nakikitang masama kung paminsan-minsan ay lumabas sila ng magandang singer, lalo na kung nandito ito sa bansa.

"We still talk and keep in touch," banggit ng aktor.

"We don't really talk that much though as what people would probably think.

"It's [Marie's lovelife] not really my business, technically."

Dagdag pa ni Sam, "We decided to be friends and that's it.

"I mean, we still hang out. I don't think there's anything wrong with that."
Tags: ,

About author

Curabitur at est vel odio aliquam fermentum in vel tortor. Aliquam eget laoreet metus. Quisque auctor dolor fermentum nisi imperdiet vel placerat purus convallis.